Mindanao tinamaan ng magnitude-6.7 na lindol

Courtesy: DOST-PHIVOLCS

Niyanig ng magnitude-6.7 na lindol ang silangang baybayin ng isla ng Mindanao.

Ayon sa German Research Centre for Geoscicnes (GFZ), ang lindol ay may lalim na 10 km (6.21 miles).

Sinabi naman ng U.S. Geological Survey (USGS), ang lindol ay may 6.8 magnitude.

Ayon sa U.S. National Tsunami Warning Center walang banta ng tsunami mula sa nasabing lindol.

Sa kanilang advisory ay sinabi naman ng PHIVOLCS, na wala itong inaasahang pinsala mula sa nabanggit na lindol, ngunit nagbabala ng mga aftershock.

Ang Pilipinas ay nasa Pacific “Ring of Fire,” kung saan ang volcanic activity at mga lindol ay karaniwan.

(Reporting by Gnaneshwar Rajan in Bengaluru and Mikhail Flores in Manila; Editing by Diane Craft and Sandra Maler)

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *