Mining sector maaaring makatulong para makabawi ang ekonomiya ng PHL – DENR

Maaaring makatulong ang sektor ng pagmimina upang makabawi ang ekonomiya ng Pilipinas.

Ayon kay Department of Environment and Natural Resources ( DENR ) Director Wilfredo Moncano, posibleng makatutulong ang mining sector para makarekober ang ekonomiya ng bansa na apektado ng COVID-19 pandemic.

“We have submmited our recovery program to our SEC and to DOF to look out to mining sector as possible contributor to this economic recovery cause of the pandemic so I hope that ito naman makita sana ng mga kababayan na ang ating sektor, ang mining sector na makatulong during these times. We hope na maiintindihan nila ang ating mining talaga there are admittedly, there are adverse environmental effects pero ito namang adverse environment effect  kaya i-mitigate ma-reduce kung di man ma-zero out yung adverse effects ay ma-mitigate ito at ang kanyang trade makatulong dun sa economy recovery of the country ” ani Moncano.

Dagdag pa ng opisyal, tinitingnan nila ang mga proyekto sa sektor ng pagmimina na maaaring makalikha ng trabaho, revenue sa gobyerno at programang pangakabuhayan maging ng educational assistance sa mga komunidad kung saan nag-ooperate ang mga  minahan.

 

Please follow and like us: