Minority block sa Senado hiniling sa Supreme Court na si Senador De Lima ang magsilbing abugado sa petisyon kontra sa ICC withdrawal

Hiniling na ng Minority block kay Senador Leila de Lima na tumayong counsel sa gagawing oral argument ng korte suprema sa kanilang petisyon na kumukwestyon sa pagkalas ng Pilipinas sa International criminal court.

Sinabi ni minority leader Franklin Drilon na mas kwalipikado si De Lima na tumayong tagapagtanggol.

Bukod kasi sa dating human rights lawyer, si De Lima aniya ay nagsilbi ring kalihim ng Department of Justice.

Nauna nang naghain ng Petition for Certiorari ang Minority block para pigilan ang pagkalas ng Pilipinas sa Rome statute dahil ang hakbang ng Malakanyang ay walang concurence ng Senado.

Pero batay sa Article VI, Section 15 ng Saligang batas, mahigpit na ipinagbabawalan ang mga Senador at Kongresista kahit pa mga abugado na tumayong counsel sa anumang korte, o anumang quasi Judicial bodies.

Sabi ni Drilon, inaasahan na haharap si De Lima sa oral argument sa July 24.

Wala raw silang nakikitang dahilan para hindi ito payagan ng korte suprema na makalabas ng kaniyang detention dahil si De Lima ay nasa ilalim pa rin ng kostodiya ng Korte.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *