Mistaken identity, biktima, ikinulong dahil may kapangalan na dawit sa mga krimen
Humihingi si senador Robin Padilla ng hustisya para sa isang senior citizen na muslim na inaresto ng mga otoridad dahil sa mistaken identity
Sa kaniyang privilege speech, sinabi ni Padilla na inaresto ng mga otoridad si Mohammda Maca-antal sa ninoy aquino international airport nitong august 10 na pupunta sana sa kuala lumpur sa malaysia.
Dinakip si Maca-antal dahil kapangalan nito si mohammad said alyas ama maas na idinadawit sa mga heinous crimes.
Pero ayon sa senador si Ama Maas ay napatay na noong 2016 sa isang military operations sa Sulu.
“Paanong mapipiit sa bilangguan isang indibidwal na may National Bureau of Investigation clearance na no derogatory record, malayang nakalabas-pasok sa bansa ng ilang ulit, wala sa pilipinas sa panahong sinasabing nangyari ang mga krimen, at higit sa lahat, malayong hindi tumutugma sa itsura ng akusado na ayon po sa mga balita ay pitong taon ng naulat na patay? dahil lamang po kapangalan niya yung Mohammad Said.” pahayag ni Senador Robin Padilla
Ipinakita pa ni Padilla ang litrato nina Maca-antal at Ama Maas para masuri ang pagkakaiba ng kanilang mga itsura
Mismong ang NBI aniya ang nag-isyu ng clearance kay Maca-antal katunayang wala itong anumang derogatory record sa Pilipinas
Batay sa records, si Maca-antal ay nasa Saudi Arabia mula 2001 hanggang 2011 kung kailan sinasabing nasangkot ito sa krimen….
“Ang kaso po ng mistaken identity ay hindi makatwiran, hindi makatarungan at hindi makatao. Hindi na po ito katanggap-tanggap lalo na sa panahon na bumubuhos ang technology at innovation. Kung nais nating ibalik ang buong tiwala ng publiko at patatagin ang pundasyon ng isang makatarungang lipunan, wala na pong pilipino ang matutulad sa kapalarang sinapit ni tatay mohammad.” dugtong pa ng senador.
Ayon kay senador Koko Pimentel nangyayari rin sa ibang bansa ang mistaken identity ….pero ang nakakabahala ay lagpas na ng tatlumpung araw na nakulong si maca-antal.
Kailangan aniyang magpaliwanag din ang mga opisyal ng Bureau of Immigration dahil hindi naman lahat ng detalye ng tao ay may katulad gaya ng middle initial at araw ng kapanganakan
“Ang pagkaka-alam ko warrant of arrest more than a first name and surname middle name and some other initial alias i hope law enforcers took into this account when they subject warrant of arrest hindi tatagal ng 30 days.” pahayag ni senador Koko Pimentel.
Meanne Corvera