Misteryo sa Dallas Zoo
May misteryong nagaganap sa Dallas Zoo.
Sa mga nagdaang araw, ay may nangyaring mga kahina-hinalang insidente sa pinakamalaking zoo sa katimugang estado ng Texas sa US, kung saan ang pinakahuli rito ay ang pagkamatay ng isang buwitre. Iniimbestigahan na ito ng mga pulis.
Sinabi ng pangulo ng zoo na si Gregg Hudson, “Everything is under suspect at this point — internal, external — we’re looking at every single option.”
Ang 35-anyos na endangered lappet-faced vulture na may pangalang Pin, ay natagpuang patay sa zoo nitong weekend.
Ayon sa zoo, “The death does not appear to be from natural causes. Losing him is devastating not only to our Zoo family but also to the conservation efforts of this species. Pin will be missed dearly by everyone.”
Nabatid na ang zoo ay nag-alok na ng $10,000 reward para sa anumang impormasyon na makatutulong sa imbestigasyon.
Matatandaan din na noong Enero 13, isang clouded leopard, na ang pangalan ay Nova, ang nakatakas mula sa kaniyang kulungan matapos na ang isang bahagi ng bakod nito ay maputol.
Kalaunan, si Nova ay natagpuang ligtas sa zoo grounds ngunit nadiskubre ng staff na putol na rin ang kulungan ng langur monkey.
Dahil ang namatay na buwitre ay isang endangered species, kaya’t ang insidente ay itinuturing na isang seryosong bagay, sapat upang makialam na rin sa imbestigasyon ang federal agents.
© Agence France-Presse