MMDA all set na sa gagawing Heroes’ Parade ng Pilipino Olympians
Stop and Go Scheme ang ipapatupad ng Metro Manila Development Authority o MMDA sa gagawing Heroes’ parade para sa Pilipino Olympians.
Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, aabot sa tatlong daang tauhan ng MMDA ang kanilang idineploy sa mga rutang dadaanan ng float kabilang diyan ang enforcers at street sweepers na maglilinis sa dadaanan ng parada.
Unang dadaanan ng parada ang bahagi ng V. Sotto Street, Roxas Blvd at Roxas Blvd Service Road, P. Burgos Avenue, Finance Road, Taft Avenue, President Quirino Avenue hanggang makarating sa Adriatico Street.
Kabilang sa mga alternatibong ruta naman na inilatag ng MMDA para sa mga motorista na posibleng maapektuhan ng parada sa mga nasa Northbound ay sa pamamagitan ng R10 ay ang Skyway, Buendia Avenue, Taft Avenue, F.B. Harrison Street, A. Mabini Street, Pres. Quirino at Lacson Avenue.
Para sa Southbound, Roxas Blvd., UN Ave., San Marcelino, Quirino Ave. to SLEX.
Earlo Bringas