MMDA Chairman, binanatan ng mga Senador matapos isnabin ang pagdinig sa isyu ng pagbaha sa Metro Manila at Central Luzon
Binanatan ng mga Senador si MMDA Chairman Romando Artes dahil sa pang-iisnab sa pagdinig ng Senado sa isyu ng nangyaring pagbaha sa Metro manila at Central luzon
Sa kabila ng imbitasyon ng Senado, hindi sumipot si Artes sa halip ipinadala si Usec Frisco san Juan ang Deputy Chairman ng MMDA.
Sinabi ni Senador Bong Revilla na Chairman ng Senate Committee on Public Works, tinawagan niya pa si Artes para dumalo sa pagdinig pero abala raw ito sa meeting sa BIR.
Kwestyon ni Senador Joel Villanueva, mas mahalaga ba ang pulong nito sa BIR kumpara sa matinding problema sa baha sa Metro manila.
Nauna nang ipinatawag ng Senado ang mga opisyal ng MMDA at Department of Public works and Highways para alamin saan napupunta ang bilyon bilyong pisong pondo para sa flood control at kung nasaan at naipatupad na ba ang master plan at flood control projects.
Meanne Corvera