MMDA, inatasan na ni Pang. Duterte na gumawa ng mga hakbang para masolusyunan ang problema sa trapik
Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Metro Manila Development Authority na ipatupad kaagad ang apat na hakbang para masolusyunan ang problema sa trapiko.
Ayon kay MMDA General Manager Tim Orbos, inatasan siya ng Pangulo na isagawa ang clearing operations sa service road ng Roxas Boulevard pagtapos ng semana santa ng mga katoliko.
Pinagagawa rin siya ng Pangulo ng guidelines para sa implementasyon ng flexible time schedule para sa mga government employees.
Gayundin ang posibleng pagpapahintulot sa mga truck na gumamit ng mga pangunahing kalsada tulad ng EDSA.
Please follow and like us: