MMDA, maglalabas ng talaan ng mga lugar na puwedeng puntahan ng mga menor de edad
Nakatakdang maglabas ang Metro Manila Development Authority (MMDA) ng mga outdoor places na puwedeng puntahan ng mga menor de edad.
Sinabi ni MMDA Chairman Benhur Abalos na layunin ng talaan na magabayan ang mga magulang sa mga lugar na maaaring puntahan kasama ang mga kabataang may edad limang taon hanggang 17.
Maiiwasan din nito ang overcrowding na maaaring maging dahilan para sa mas mabilis na pagkalat ng virus.
Samantala, pag-uusapan din ng Metro Manila Council ang pangangailangan na magdeploy ng marshals sa mga outdoor area.
Please follow and like us: