MMDA : Number coding sa Metro Manila, mananatiling suspendido sa ilalim ng GCQ
Mananatiling suspendido ang pag-iral ng Unified Vehicular Volume Reduction Program ( UVVRP ) o number coding scheme sa pagbabalik ng General Community Quarantine ( GCQ ) sa Metro Manila simula bukas, August 19, 2020.
Ito ay dahil na rin sa kakulangan ng mga pampublikong transportasyon dahil na rin sa ipinatutupad na quarantine dulot ng COVID-19 pandemic.
Sa ilalim ng GCQ, pinapayagan ang pampublikong transportasyon na pumasada pero limitado lamang ang maisasakay na mga pasahero upang maiwasan ang hawahan ng nasabing virus.
Samantala, wala pa naman inilalabas na abiso ang Makati tungkol sa pag-iral ng number coding sa lungsod sa panahon ng GCQ.
RNC