MMDA, tumanggap ng ferry boats
Tumanggap ang Metro Manila Development Authority o MMDA ng isang 50 seater boat na donasyon ng isang kumpanya .
Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos , makakadagdag ito sa kanilang daily operations sa Ferry boat na inaasahang magpapataas rin sa kanilang ridership.
Malaking tulong aniya ito sa mga commuter lalo na ngayong limitado ang public transportation dahil sa nararanasang pandemya.
Sa kasalukuyan ay labing isa ang gumaganang ferry boat ng MMDA na kayang maglulan ng halos limandaang pasahero.
Sinabi ni Abalos , paiikliin na nila ang waiting time sa pagsasakay ng pasahero.
Sa ngayon libre pa ang pagsakay sa mga ferry boat na dumadaan sa marikina
Tinatapos na rin ng ahensya ang kanilang ferry stations sa Sangley point sa Cavite at Cardona Rizal na inaasahang magagamit na ngayong taon.
Meanne Corvera