MMDA, umaasang maaaprubahan na ang Driver-only car policy
Umaasa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na maaaprubahan at maipapatupad na ang Driver-only car policy.
Matatandaang Agosto ng nakaraang taon ay binalak ng ahensya na ipatupad ito ngunit pinatigil ng Senado dahil sa dami umano ng reklamo.
Ayon kay MMDA chief for special operations task force Col.Bong Nebrija, nakikipag-usap na sila sa Metro Manila council para itakda ang public consultation sa nasabing usapin.
Aniya layunin talaga ng driver-only car policy ay ilipat sa ibang alternatibong ruta ang mga single driver cars o vehicles at mag-car pooling na lamang upang mas marami pa ang makagamit ng Edsa pero mas kakaunti nang volume ng sasakyan.
Babaguhin din aniya nila ang salitang “driver only car” policy kundi tatawagin na itong “car pooling”.
Naniniwala si Nebrija na malaki ang maitutulong ng polisiya para lumuwag ang daloy ng trapiko sa Edsa.