MOA sa pagitan ng DSWD at LGU ng Catanauan para sa SHIELD against Child Labor, nilagdaan
Lumagda sa isang memorandum of agreement (MOA) ang DSWD at ang lokal na pamahalaan ng Catanauan, para sa patuloy na pagpapatupad ng programang SHIELD against Child Labor.
Isa ang bayan ng Catanauan sa mga lokalidad sa buong Pilipinas na may ipinatutupad na ganitong programa ng DSWD mula pa noong noong 2017.
Sa 97 mga batang manggagawa na naging benepisyaryo ng programa sa Catanauan, 90 na ang natigil sa pagtatrabaho at nakabalik na sa kani-kanilang pag-aaral.
Ang Strategic Helpdesks for Information, Education, Livelihood and other Developmental Interventions o SHIELD against Child Labor, ay programang nagpapalakas ng kapasidad ng lokal na pamahalaan hanggang sa barangay level sa pagbibigay ng iba’t ibang serbisyo sa mga batang manggagawa at kanilang mga pamilya.
Kasama sa mga lumagda sa MOA sina Catanauan Mayor Ramon Orfanel at DSWD IV-A Regional Director Marcelo Nicomedes Castillo ng MOA.
Ang SHIELD against Child Labor ay magiging lokal na programa ng nasabing bayan, kung saan sila ang mangunguna at magpapalawig ng pagpapatupad nito.
Jet Hilario