Mobile market inilunsad ng Taguig
Nag-ikot sa iba’t-ibang barangay sa Taguig ang mobile market, dala-dala ang mga sariwang ani gaya ng gulay, prutas at may kasama ring karne, isda at mga pangrekado.
Isa ang mobile markets sa mga inisyatibo ng pamahalaang lungsod ng Taguig, upang hindi na kailanganin ng ating mga kababayang Taguigeños na pumunta sa palengke.
Upang mapanatili ang Green Governance sa buong lungsod ng Taguig, hinikayat ng mga kinauukulan ang lahat ng mga darayo at mamimili sa kanilang mobile market, na magdala ng sarili nilang eco bags o mga lalagyan upang maiwasan ang paggamit ng single use plastic, at pagdami ng solid waste sa kanilang lungsod.
Bukas, May 5 ay sa Bambang bridge sa Brgy. Bambang naman tatambay ang mobile market, simula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali.
Ulat ni Virnalyn Amado