Modelo ng ‘Star Wars,’ ‘Thor’ hammer, at Elvis suit, ilan sa mga item ng pelikula na tampok sa auction
Mula sa isang modelo ng “Star Wars” X-Wing spacecraft hanggang sa hammer ni “Thor,” isang treasure trove ng entertainment memorabilia mula sa pinaka minahal na mga pelikula ang itatampok para sa auction sa Hollywood sa susunod na buwan.
Mahigit 1,800 item ang i-aalok sa June 21 hanggang 24 auction, kung saan sa pagtaya ng film at TV memorabilia company na Propstore ay kikita ng higit sa $9 milyon (P470 milyon).
Bukod sa props at costumes, mayroon ding collectible toys, comic books, comic artwork, film production materials, meaning things gaya ng concept artwork, storyboards, crew jackets, at napakarami pang ibang collectibles.
Pangunahin dito ang “Red Leader” X-Wing model mula sa “Star Wars: A New Hope,” na ang halaga ay tinatayang $500,000 hanggang $1 million.
Ayon kay Propstore vice-president Chuck Costas . . . “We were able to match it to a scene where the Red leader goes down, so you actually see this particular one on screen.”
Aniya . . . “Many of the objects come from collectors, but also from the studios themselves, or they may have belonged to people who actually worked on the filming of the movies at the time. We have things that are in the hundreds of dollars all the way to hundreds of thousands of dollars. So there’s always something from your favorite movie that’s in your price range.”
Ang iba pang items na nakatakda ring i-auction ay ang isang animatronic Gizmo mula sa “Gremlins 2: The New Batch,” na may price tag na $80,000 hanggang $120,000.
For auction din ang hammer ni Thor mula sa original na “Thor” movie na ang tinatayang halaga ay $100,000 hanggang $150,000, at ang isang six-foot model ng jet na ginamit sa original “Top Gun” movie na maaaring maibenta ng $30,000 hanggang $50,000.
Marami ring items mula sa mga pelikula ni Will Smith, kabilang ang shorts na sinuot niya nang gampanan ang papel ni Muhammad Ali sa biopic na “Ali,” na tinatayang nasa $1,500 hanggang $2,500, at isang insert hand na ginamit naman ni Johnny Depp sa “Edward Scissorhands,” na maaaring maipagbili ng $30,000 hanggang $50,000.
Ang iba pang auction items ay kinabibilangan ng Elvis Presley suit mula sa “It Happened at the World Fair” ($20,000 to $30,000), wallet ni Samuel L. Jackson mula sa “Pulp Fiction” ($30,000 to $50,000) at ang espada ni Uma Thurman mula sa “Kill Bill vol. 1” ($20,000 to $30,000).
Ang auction ay gaganapin online at live sa Valencia, malapit sa Los Angeles.