Moderate satisfaction rating ng mga Cabinet oficials sa SWS Survey, magsisilbing babala- Malakanyang

Itinuturing ng Malakanyang na isang babala ang resulta ng Social Weather Stations o SWS survey na nagbigay  ng positive 28 percent ang satisfaction rating ng mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Duterte.

Ang positive 28 na net satisfaction rating sa performance ng mga gabinete ay klasipikadong  moderate.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque kailangang mag-double time ang mga miyembro ng gabinete upang maipabatid sa publiko ang mga polisia at programa ng administrasyon na pakikinabangan ng mga mamamayan.

Ayon kay Roque hindi dapat na paapekto ang mga miyembro ng gabinete sa ingay ng politika sa pagtupad ng tungkulin para sa mga marginalized na pamilya.

Inihayag ni Roque patuloy na tutuparin ng mga miyembro ng gabinete ang kanilang trabaho para tulugan si Pangulong Duterte sa mga programa na may kaugnayan sa pagpapaangat ng kabuhayan ng bansa.

Secretary Harry Roque:

“On the First Quarter 2018 Social Weather Stations Survey for the Cabinet we take note of the latest Social Weather Stations survey showing a +28 net satisfaction rating, which the polling firm classified as “moderate.” Many agencies have made significant strides in their respective areas and fields.  The departments under the executive branch will continue to serve the nation and the best interest of our people by bringing comfortable life to disadvantaged and marginalized families, unmindful of the distraction and political noise. We shall therefore work double time in highlighting policies and programs of the current administration that have the most impact to the lives of our countrymen”

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *