Modernized jeepney project ng DOTr, inilunsad sa Senado
Simula bukas ay aarangakada na ang may 15 modernize jeepney sa Pasay-Parañaque area.
Bahagi ito ng proyekto ng Department of Transportation o DOTr na gawing mas moderno ang mga pampublikong sasakyan sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program.
Kanina nai-award na ng DOTr ang prangkisa ng mga jeeney sa Senate Employees Transport Service Cooperative o SETSCO na pinangunahan pa ng mga lider ng Senado.
Sampung piso ang minimum fare dahil kumpara sa ordinaryong jeep aircondition ito, may GPS, Wifi at CCTV.
Ayon sa dotr, bahagi ito ng direktiba ng Pangulo na gawing maayos at moderno ang mga pampublikong sasakyan.
Target kasi aniya nilang tuluyang maalis sa lansangan ang mga bulok na mga public utility vehicle pagsapit ng 2020.
Sa ngayon tinatrabaho na aniya ng DOTr ang pagbibigay ng fuel voucher sa mga puv”s dulot ng mataas na presyo ng krudo at implementasyon ng Train law.
Sabi ni Orbos, hinihintay lang nila ang opisyal ng listahan mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB para matiyak na mga lehitimong drivers at operators ang makikinabang.
Wala pang eksaktong halaga pero target aniya nilang maibigay ang voucher bago matapos ang Hulyo.
Ulat ni Meanne Corvera