Modular Hemodialysis Facility sa NKTI para sa mga Covid patient na kailangang sumailalim sa Dialysis, binuksan na
Bukas na ang Modular Hemodialysis Facility and Dormitory sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City.
Ang pasilidad na ito ay kayang mag-accomodate ng 60 pasyente ng Covid-19 kada araw na kailangang sumailalim sa Dialysis.
Mayroon din itong air-conditioned Dormitory rooms para sa mga Healthcare workers na direktang gumagamot sa mga pasyente.
Ayon kay Health secretary Francisco Duque III, isa ito sa mga panugnahing proyekto ng Gobyerno para sa pagpapalawak ng Healthcare capacity ng bansa ngayong Pandemya.
Ang paglulunsad ng pasilidad ay sa pakikipagtulungan ng NKTI, Department of Health, Department of Public Works and Highways at IATF-EID.