Money-making scheme ng mga opisyal ng Philhealth sa Davao, ibinunyag ni Senador Zubiri
Ibinunyag ni Senate minority leader Juan Miguel Zubiri ang umano’y money making scheme ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth).
Ayon kay Zubiri sa nakalap na dokumento, nagbibigay ang Philhealth ng milyun-milyong piso sa mga maliliit na ospital na maliit rin ang bed capacity.
Isa sa tinukoy nito ang isang ospital sa Davao na nakakuha ng 10 milyong piso para sa Pneumonia refund sa Philhealth gayong sampu lang ang bed capacity nito at wala silang natanggap na ng Covid-19 patients.
Sinabi ni Zubiri na ilalahad niya sa pagdinig ng Senado bukas ang isyu.
Kailangan aniyang malaman ng publiko ang ganitong scheme para maidetalye kung saan napupunta ang kanilang mga kontribusyon.
Nauna nang ibinunyag ng nagbitiw na si Atty. Thorrsson Montes Keith na umabot na sa 15 billion ang naibulsa ng mga tiwaling opisyal sa Philhealth.
Ulat ni Meanne Corvera