‘Monster’ Inoue makakaharap ni Donaire sa sequel ng kanilang boxing classic
Makakaharap ni Naoya Inoue ng Japan si Nonito Donaire ng Pilipinas sa isang bantamweight title unification fight sa Japan sa Hunyo, na magdaragdag ng sequel sa kanilang classic 2019 encounter.
Nakalinya lahat ang WBA at IBF titles ng wala pang talong si Inoue, at ang WBC belt ni Donaire sa kanilang paghaharap sa June 7 sa Saitama, ang kaparehong venue kung saan tinalo ni Inoue si Donaire tatlong taon na ang nakalilipas sa World Boxing Super Series.
Ang laban na iyon ay kinilala bilang isa sa mga laban ng taon, kung saan sinelyuhan ni Inoue ang kaniyang panalo sa ika-11 round sa pamamagitan ng unanimous points.
Ang mabangis sumuntok na si Inoue, na binansagang “Monster” at itinuturing na isa sa pinakamahusay na pound-for-pound fighters ng boksing, ay walang talo sa lahat ng kanyang 22 laban, na ang 19 sa mga ito ay sa pamamagitan ng knockout.
Ayon sa 28 anyos na si Inoue . . . “The rematch with Donaire feels like we’re continuing the 13th round after our previous fight went the distance. I’m looking forward to seeing how he comes at me.”
Ang huling laban ni Inoue ay sa Tokyo noong Disyembre, nang ipagtanggol niya ang kanyang mga titulo sa pamamagitan ng eight-round technical knockout laban sa Thai challenger na si Aran Dipaen.
Napanatili naman ni Donaire ang kanyang titulo sa WBC sa isang malakas na knockout laban sa kababayang si Reymart Gaballo noong Disyembre.
Si Donaire, na lumipat sa Estados Unidos noong siya ay 11, ay naging pinakamatandang world champion sa 118 pounds nang talunin niya si Nordine Oubaali para sa titulo noong Mayo 2021.