‘Moon’ nuclear reactors ng Rolls-Royce, popondohan ng UK
Sinabi ng British aerospace giant na Rolls-Royce, na nabigyan ito ng katiyakan na popondohan ng UK ang development ng maliliit na nuclear reactors na maaaring magbigay ng kuryente sa Buwan.
Ayon sa Rolls, nag-alok ang UK Space Agency ng £2.9 milyon ($3.5 milyon) upang tumulong sa pagsasaliksik “kung paano magagamit ang nuclear power upang suportahan ang Moon base para sa mga astronaut sa darating na panahon.”
Sinabi ng aerospace company, “Scientists and engineers at Rolls-Royce are working on the micro-reactor programme to develop technology that will provide power needed for humans to live and work on the Moon.”
Sa pagtaya ng Rolls, handa nang ipadala sa Buwan sa 2029 ang kauna-unahan nitong car-sized reactor.
Ang balita ay dumating habang nagpaplano naman ang NASA, ang US space agency na pabalikin ang mga tao sa Buwan sa 2025.
Ito ang magiging unang pagbisita mula nang matapos ang makasaysayang Apollo missions noong 1972.
Ayon sa Rolls, “Nuclear power has the potential to dramatically increase the duration of future lunar missions and their scientific value.”
Ang grupo, na kilala sa mga makina nito na nagpapagana sa Airbus at Boeing aircraft, ay makikipagtulungan sa mga unibersidad sa UK kasama ang Oxford sa naturang space project.
© Agence France-Presse