Moscow target ng drone attacks, office tower tinamaan
Isang Ukrainian drone na pinabagsak ng Russia nitong Martes ang tumama sa isang office tower sa Moscow, na tinamaan din noong weekend, habang marami pang drone ang pinabagsak.
Sinabi ni Moscow mayor Sergei Sobyanin, “Several drones were shot down by air defense systems while trying to fly to Moscow. One (drone) flew into the same tower in (Moscow) City as last time. The facade on the 21st floor was damaged. There is no information on casualties, emergency services were on the scene.”
Noong Linggo, sinabi ng Russia na pinabagsak nito ang mga Ukrainian drone na tumatarget sa kabisera sa isang pag-atake na puminsala sa dalawang office towers sa Moscow city, isang commercial development.
Isinisi ng defense ministry ng Russia ang pag-atake sa Ukraine, sa pagsasabing maraming pasilidad sa Moscow region ang tinarget.
Sa isang pahayag ay sinabi ng ministry, “Two Ukrainian (unmanned aerial vehicles) were destroyed by air defense systems over the territory of the Odintsovo and Narofominsk districts of Moscow region. Another drone was suppressed by electronic warfare and, having lost control, crashed on the territory of the Moscow-City non-residential building complex.”
Sa ulat ng TASS state news agency, ilang sandali makaraan ang drone attack, sumandaling isinara ang Vnukovo international airport ng Moscow.
Ayon sa TASS, sinabi ng emergency services, “Vnukovo was temporarily closed for arrivals and departures, the planes are redirected to other airports.” Kalaunan ay ibinalik na ang normal na operasyon nito.
Ang kapareho ring airport ay saglit na isinara matapos ang nangyaring pag-atake noong Linggo, at sa mga naunang bahagi ng Hulyo, naapektuhan ang mga biyahe sa himpapawid sa Vnukovo dahil sa sunod-sunod na drone attacks hanggang sa bahaging timog-kanluran ng siyudad.
Ang Moscow at ang nasa paligid nito, na nasa 500 kilometro (310 milya) mula sa Ukrainian border, ay bihirang targetin sa panahon ng pakikipagdigma nito sa Ukraine hanggang sa magkaroon na ng ilang drone attacks ngayong taon.
Ang pag-atake nitong Martes ay ang pinakabago sa isang serye ng mga pag-atake ng drone – kabilang ang sa Kremlin at mga bayan ng Russia malapit sa hangganan ng Ukraine – na isinisi ng Moscow sa Kyiv.
Tinawag ng Kremlin ang mga pag-atake kamakailan sa kabisera na isang “act of desperation” ng Ukraine kasunod ng mga kabiguan sa larangan ng digmaan.