MPD nagdeploy ng 1,300 tauhan para sa SONA

Nagpakalat ng 1,300 tauhan ang Manila Police District (MPD) para sa SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw.

Ayon kay MPD Director Police Brigadier General Andre Dizon, 900 sa mga ito ay idineploy sa iba’t ibang bahagi ng Maynila.

Partikular silang nakapuwesto sa Korte Suprema, US Embassy, Plaza Miranda at ilan pang lugar.

Sa Mendiola naman ang command post ng MPD na ininspeksyon kanina ni PNP Chief General Benjamin Acorda Jr.

Sinabi ni Dizon ang ilan sa mga tauhan nito ay nakasuot ng body camera.

May drone din na ginagamit ang MPD para sa pagmonitor ng kilos protesta sa lungsod.

Patuloy aniyang magaantabay ang puwersa ng MPD sa anumang lightning rally sa lungsod haggang sa matapos ang SONA.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *