MTRCB, tiniyak na walang malaswa at pirated na pelikulang ipapalabas sa mga bus
Kumpiyansa ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na hindi magpapalabas ng mga malalaswa at ‘pirated’ na mga pelikula sa mga babiyaheng bus sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Mismong si MTRCB Chair Rachel Arenas ang nag-ikot at tiniyak niya na ang mga pelikulang ipapalabas ng mga bus ay hindi malaswa o pirated.
Nagpaskil din ito ng mga babala sa mga bus para mismong mga pasahero ang magsumbong sa kanilang opisina sakaling may makalusot na magpalabas ng mga pelikulang hindi akma sa mga kabataan.
Ang nasabing kautusan ay hindi lamang mahigpit na pinapatupad ngayong long holiday at sa halip ay sa buong panahon na ng pagbiyahe ng mga bus sa bansa.