‘Mu’ coronavirus variant, nangingibabaw sa Colombia
Nangingibabaw na ngayon sa Colombia ang isang bagong coronavirus variant na tinawag na “Mu,” na unang natukoy sa bansa noong Enero.
Sinabi ng health official na si Marcela Mercado, na ang nabanggit na variant ang responsable para sa “deadly third infection wave” sa Colombia, sa pagitan ng Abril at Hunyo.
Ayon kay Mercado . . . “During this period, with about 700 deaths per day, nearly two-thirds of tests from people who died came back positive for the Mu variant. It is already in more than 43 countries and has shown high contagiousness.”
Noong Martes ay idineklara ng World Health Organization ang Mu na may scientific name na B.1.621 bilang isang “variant of interest.”
Mayroon nang malawakang pangamba tungkol sa paglitaw ng bagong variant, ngayong ang infection rates ay nagsitaasan sa buong mundo na karamihan ay dahil sa lubhang nakahahawang Delta variant, laluna sa kalipunan ng mga hindi pa bakunado at sa mga rehiyon na niluwagan na ang anti-virus measures.