Muling pagbubukas ng COC filing , ibinasura ng COMELEC
Ibinasura ng Commission on Elections ang hiling ng ruling party na PDP Laban – Alfonso Cusi wing na humihiling na muling buksan ang filing ng Certificate of Candidacy para sa May elections.
Paliwanag ni Comelec Spokesperson James Jimenez may mga hindi naikunsidera ang PDP sa kanilang petisyon gaya ng mga kinakailangang paghahanda para sa paghahain ng kandidatura.
Ang filing ng COC ay natapos noon pang October 8 ng 2021.
Nais sana ng PDP na mabigyan sila ng panahon para magkaroon ng pambato ang kanilang partido sa halalan matapos umatras si Senador Bong Go.
Kasabay nito sinabi ni Jimenez na ibinasura rin ng en banc ang petisyon para ipagpaliban ang May National and Local Elections hanggang sa 2025.
Ang petisyon para sa pagapaliban ng halalan ay inihain ng National Coalition for Life and Democracy dahil sa pangamba na mas lumala ang COVID-19 situation sa bansa kung matutuloy ito.
Ayon kay Jimenez, unanimous ang naging desisyon ng en banc sa mga nasabing petisyon.
Sa Enero 17 target masimulan ng Comelec ang pag- imprenta ng mga balota para sa halalan.
Pero sa Enero 15, magsasagawa muna aniya ang poll body ng walk thru sa National Printing Office.
Madz Moratillo