Muling pagpapabakuna, epektibong makapagpoprotekta laban sa Omicron: White House
Sinabi ni Dr. Anthony Fauci, direktor ng National Institute of Allergy and Infectious Disease Chied Medical Advisor, na ang muling pagpapabakuna ang magbibigay ng pinaka maaasahang proteksyon laban sa Omicron variant ng Covid-19.
Sa isang pahayag na inilathala sa White House website nakasaad na . . . “Dr. Fauci and members of the Covid Response Team updated the President on the latest developments related to the Omicron variant. Dr. Fauci informed the President that while it will take approximately two more weeks to have more definitive information on the transmissibility, severity, and other characteristics of the variant, he continues to believe that existing vaccines are likely to provide a degree of protection against severe cases of Covid. Dr. Fauci also reiterated that boosters for fully vaccinated individuals provide the strongest available protection from COVID.”
Ayon sa statement, inirerekomenda ng Covid Response Team na hangga’t maaga ay mabigyan na ng booster shot ang lahat ng adults na bakunado na.
Tinukoy sa pahayag na ang maaaring bigyan ng booster shot ay yaong ganap nang bakunado, at higit anim na buwan na ang nakalipas mula nang bakunahan sila ng 2nd dose ng Pfizer at Moderna, o dalawa at higit pang buwan ng Johnson & Johnson.
Ayon sa White House . . . “Importantly, those adults and children who are not yet fully vaccinated should get vaccinated immediately.”
Ngayong November 29, Si US President Joe Biden ay magbibigay ng pahayag tungkol sa sitwasyon kaugnay ng Omicron variant, at mga kinakailangang hakbang sagitna ng pagkalat ng impeksiyon.
Ayon sa Washington Post, pagtutunan ng pansin ng Biden administration ang muling pagbabakuna sa populasyon at sinabing ito ang pangunaging hakbang sa paglaban sa Omicron variant.
Tinalakay naman ng ilang senior US health officials kasama ng South African scientists, ang pinakahuling datos sa bagong Covid-19 variant nitong Linggo. (AFP)