Mundo dapat maghanda sa mas matinding heatwaves ayon sa UN
Nagbabala ang United Nations na dapat maghanda ang mundo upang harapin ang lalong matinding heatwaves, habang ang mga bansa sa buong Northern Hemisphere ay nakararanas na ng tumataas na temperatura.
Nag-alarma na ang health authorities mula North America hanggang Europe at Asia, na humihimok sa mga tao na manatiling hydrated at huwag magbilad sa araw bilang matinding paalala sa mga epekto ng global warming.
Sinabi ni John Nairn, isang senior extreme heat advisor sa World Meteorological Organization (WMO) ng UN, “These events will continue to grow in intensity, and the world needs to prepare for more intense heatwaves.”
Ang mga heatwave ay kabilang sa mga pinaka nakamamatay na natural hazard, kung saan daan-daang libong tao ang nasasawi mula sa heat-related causes bawat taon na maaari naman sanang maiwasan.
Nagbabala si Nairn na ang panganib sa kalusugan ay tumitindi, sa gitna ng lumalawak na urbanisasyon, lubhang mataas na temperatura at tumatanda nang populasyon.
Aniya, “The recently-declared El Nino, a warming climate pattern that occurs every two to seven years is only expected to amplify the occurrence and intensity of extreme heat events. But regardless of El Nino, the trend is clear, that the number of simultaneous heatwaves in the Northern Hemisphere had swelled six-fold since the 1980s.”
Dagdag pa niya, “This trend shows no signs of decreasing, heatwaves brings quite serious impacts on human health and livelihoods.”
Temperature forecasts for Europe and the Mediterranean at 2 m above the surface, according to the European Centre for Medium-Range Weather Forecasts (ECMWF), data as of July 18, 2023, 0000 GMT. (Photo by Anibal MAIZ CACERES and Guillermo RIVAS PACHECO / AFP)
Ang Europe, na siyang pinakamablis na umiinit na kontinente sa mundo, ay naghahanda na para sa “peak” o rurok ng kasalukuyang heatwave na nararanasan sa Sicily at Sardinia islands sa Italy, sa gitna ng mga pagtaya ng mataas na 48 degrees Celcius (118 degrees Fahrenheit).
Sinabi ng WMO na nagbabantay ito upang makita kung ang kasalukuyang European temperature record ng 48.8C na naitala sa Sicily noong 2021 ay malalampasan pa.
Ayon pa kay Nairn, “Even more concerning than maximum day temperatures was the high overnight minimum temperatures. Repeated high night-time temperatures are particularly dangerous for human health, because the body is unable to recover from sustained heat. This leads to increased cases of heart attacks and death.”
Sa kasalukuyan ay walang malinaw na kahulugan kung ano ang bumubuo sa isang heatwave, ngunit sinabi ng WMO na ito ay nasa proseso ng pagbuo ng isang pangkalahatang kategorya ng intensity ng heatwave, sa isang pagsisikap na “i-standardize ang mga pagtataya sa epekto at mga babala sa buong mundo”.
Sinasabi ng mga eksperto na ang pagbabago ng klima na gawa ng tao ang nagpapalala sa mga heatwave, na nagdudulot ng mas mataas na temperatura na nagpapabagal din at dahilan upang “tumigil” ang mainit na weather systems sa mga lugar sa mas mahabang panahon.
Nang tanungin kung ano ang maaaring gawin upang ito ay mapigil, sinabi ni Nairn, “The message was ‘simple.’ Stop carbon fuels; just electrify everything.”