Mundo dumaranas na ng nakapapasong init
Umabot sa bagong pinakamataas ang temperatura nitong Lunes, habang dumaranas ng nakapapasong heatwaves at wildfire ang mga bahagi ng Northern Hemisphere, na sanhi nang puwersahang paglikas ng 1,200 mga bata malapit sa isang resort sa tabing dagat ng Greece.
Nagpalabas na ng alarma ang health authorities mula sa Hilagang Amerika hanggang sa Europa at Asya, na humihikayat sa mga tao na manatiling hydrated at umiwas sa nakapapasong init ng araw, na isang matinding paalala sa mga epekto ng global warming.
Isang sunog sa kagubatang malapit sa Athens ang sumiklab dulot ng malakas na hangin, sa isang sikat na beach town ng Loutraki kung saan sinabi ng alkalde na nanganganib ang mga holiday camp para sa mga kabataan.
Sinabi ni Mayor Giorgos Gkionis, “We have saved 1,200 children who were in the holiday camps.”
Ayon naman sa footage mula sa isang public broadcaster, nakikipaglaban din ang emergency services sa wildfires sa Kouvaras at sa resorts ng Lagonissi, Anavyssos at Saronida malapit sa Athens. May ilan nang bahay na nasunog sa lugar.
Sinabi ni World Meteorological Organization (WMO) Secretary-General Petteri Taalas, “The extreme weather … is having a major impact on human health, ecosystems, economies, agriculture, energy and water supplies. This underlines the increasing urgency of cutting greenhouse gas emissions as quickly and as deeply as possible.”
Sa Roma, ang temperatura ay umabot sa near-record na 39C nitong Lunes.
Ito na ang pinakamainit na Hunyo sa buong mundo na naitala, at ayon sa EU weather monitoring service, tila handang hamunin ng Hulyo ang sarili nitong record.
Ang China ay nag-ulat ng panibagong pagtaas para sa kalagitnaan ng Hulyo sa hilagang-kanluran ng bansa, kung saan umabot sa 52.2C ang temperatura sa nayon ng Sanbao sa rehiyon ng Xinjiang, na lumampas sa dating mataas na 50.6C na naitakda anim na taon na ang nakararaan.
Scott Hughes, of Swansea, Wales, UK, takes a selfie next to a digital display of an unofficial heat reading at Furnace Creek Visitor Center during a heat wave in Death Valley National Park in Death Valley, California, on July 16, 2023. Tens of millions of Americans braced for more sweltering temperatures Sunday as brutal conditions threatened to break records due to a relentless heat dome that has baked parts of the country all week. By the afternoon of July 15, 2023, California’s famous Death Valley, one of the hottest places on Earth, had reached a sizzling 124F (51C), with Sunday’s peak predicted to soar as high as 129F (54C). Even overnight lows there could exceed 100F (38C). (Photo by Ronda Churchill / AFP)
Nag-isyu naman ng heatstroke alerts sa 32 mula sa 47 prefectures ng Japan, na karamihan ay sa central at southwestern regions.
Sa ulat ng media, hindi bababa sa 60 katao ang sumailalim sa treatment dahil sa heatstroke, kabilang ang 51 na dinala sa ospital sa Tokyo.
Ayon sa health officials, sa Cyprus, kung saan inaasahang mananatili ang temperatura ng lampas sa 40C hanggang Huwebes, isang 90-anyos na lalaki ang namatay sanhi ng heatstroke at tatlong iba pang nakatatanda ang naospital.
Sa western at southern US states, na sanay na sa mataas na temperatura, mahigit sa 80 milyong katao ang nasa ilalim ng advisories bunsod ng nararanasang malawakan at matinding heatwave sa rehiyon.
Sa Southern California, ilang wildfires ang sumiklab sa nakalipas na ilang araw sa rural areas sa silangan ng Los Angeles.
Ang pinakamalaki na tinawag na Rabbit Fire, ay tumupok sa halos 8,000 ektarya at 35 percent nang naapula nitong Lunes ng umaga ayon sa mga awtoridad.
Sa katabing Canada, sinabi ng mga awtoridad na 882 wildfires ang aktibo nitong Lunes, kabilang ang 579 na ikinukonsiderang out of control.
Sa Europe, binigyan ng babala ang mga Italyano na maghanda para sa “pinaka matinding heatwave ng tag-araw at isa rin sa pinakamatindi sa lahat ng panahon,” kung saan isang red alert ang inilabas para sa 16 na mga siyudad kabilang ang Rome, Bologna at Florence.
Kasama ng init, ang mga bahagi ng Asya ay binabayo rin ng malalakas na mga pag-ulan.
Nitong Lunes ay nangako ang pangulo ng South Korea, na magsasagawa ng “complete overhaul” sa pagtugon ng bansa sa extreme weather, makaraang hindi bababa sa 40 katao ang namatay sa kamakailan ay matinding pagbaha at landslides dulot ng monsoon rains, na tinatayang magpapatuloy hanggang Miyerkoles.