Muntik nang banggaan ng dalawang eroplano sa himpapawid, iimbestigahan ng Nepal
Sinuspinde ng Nepal ang tatlong air traffic controllers at naglunsad ng isang imbestigasyon, matapos muntik nang magbanggaan sa himpapawid ang dalawang pampasaherong eroplano noong isang linggo.
Nangyari ang insidente nitong Biyernes habang naghihintay na makalapag sa international airport ng kathmandu, ang isang eroplano ng Air India airliner at Nepal Airlines.
Kaugnay ng imbestigasyon ay sinabi ng tagapagsalita na si jagannath niroula, na bumuo ang Civil Aviation Authority ng Nepal ng isang komite na magsisiyasat sa insidente.
Aniya, ang eroplano ng Air India na nasa altitude na 19,000 feet (5,800 meters) at hindi pa makalapag dahil sa sobrang traffic sa Kathmandu airport, ay bigla na lamang bumaba at babahagya nang naiwasang bumangga sa eroplano ng Nepal Airlines na nasa altitude na 15,000 feet.
Sinabi ni Niroula, “We have formed a committee to investigate into this incident which has raised our concern over the safety risk. Three air traffic controllers who were in the duty at that time have been removed from the active control position until further notice. Similarly, we have sent a letter to the Indian civil aviation regulatory body to investigate into possible fault of Air India’s pilot and take necessary action.”
Ang Nepal ay kilala sa mahinang air safety at ang pinakahuling insidente ay nangyari wala pang dalawang buwan matapos bumagsak ng isang eroplano sa hilagang Nepal, na ikinasawi ng lahat ng 72 kataong sakay nito.
Marami nang nangyaring aksidente sa air transport sector ng Nepal dahil sa poor maintenance, kakulangan ng training at standards.
Matatandaan na nagpatupad ng ban ang European Unions sa lahat ng Nepali carrier sa kanilang airspace dahil sa safety concerns.
© Agence France-Presse