Muntinlupa City, nagdagdag ng vaccination satellite sites
Upang mapabilis at mapalawak ang vaccination sa lungsod ng Muntinlupa, ay nagdagdag ito ng satellite vaccination sites.
Bukod sa 6 na mega vaccination sites, ay mayroon din itong 15 satellite sites at rolling bakuna.
Sa Barangay Tunasan ay sinimulan ngayong araw ang satellite site na inilagay sa gilid mismo ng Barangay Hall.
Maayos ang bakunahan sa lungsod at hindi siksikan, dahil ang tinatanggap lamang ay ang mga naka-schedule talagang mabakunahan ngayong araw.
Limitado lamang din ang tinatanggap na walk-in, na pamalit sa mga nabigyan ng schedule subalit hindi available na magpabakuna ngayong araw.
Ang tinatanggap na walk-in ay dapat na nakapagparehistro na rin sa MunCovac online registration, na hindi pa nabibigyan ng schedule.
Hanggang kahapon, August 9, 2021, ang Muntinlupa City ay nakapagbakuna na ng kabuuang 211,808 na may antas na 54.9% sa target na mabakunahan, at 146, 353 sa kabuuang bilang na ito ang nakakumpleto na ng bakuna na may antas na 37.9% ng target na mabakunahan.
Marina Ferrer