‘Murder, She Wrote’ star na si Angela Lansbury, pumanaw na sa edad na 96
Inanunsiyo ng pamilya ng aktres na si Angela Lansbury, na naging isang household name dahil sa kaniyang papel bilang isang writer-detective sa “Murder, She Wrote,” ay pumanaw na nitong Martes sa edad na 96.
Ang British-born star, na nakahanap ng katanyagan at kayamanan bilang isa sa pinaka memorable character sa telebisyon, ay isa ring lubhang matagumpay at decorated stage at film actress.
Sa isang pahayag na binanggit ng US media ay nakasaad, “The children of Dame Angela Lansbury are sad to announce that their mother died peacefully in her sleep at home in Los Angeles… just five days shy of her 97th birthday.”
Bumuhos ang pagpupugay mula sa iba’t ibang dako ng mundo, at isa rito ang ipinost ng dating Australian prime minister na si Malcolm Turnbull na larawan nilang dalawa ni Lansbury na kaniyang pinsan.
Ayon sa tweet ni Turnbull, “Thank you Angela for the joy & love you have shared with all the world all your life.”
Samantala, nagpost naman ang NASA ng tinawag nilang “a cosmic rose” — isang deep space constellation — bilang paggunita sa aktres.
Si Lansbury ay halos 60 taon na nang mapunta sa kaniya ang papel na naging daan ng kaniyang pagsikat, ang mystery writer at amateur sleuth sa smash television series na “Murder, She Wrote.”
Sa isang career na tumagal ng higit pitong dekada, lumabas siya sa halos 60 mga pelikula at bumida sa ilang pinakamalaking musicals ng Broadway.
Naparangalan siya ng anim na Golden Globes, limang Tony Awards para sa kaniyang papel sa American theatre at noong 2013, ay isang honorary lifetime Oscar.
Ngunit mas naaalala siya ng karamihan bilang ang “down-to-earth, middle-aged widow” na si Jessica Fletcher na humuhuli ng mga kriminal sa television series na “Murder, She Wrote, “ na ipinalabas mula 1984 – 1996 sa US television at in-export sa dose-dosenang mga bansa na naging daan upang makilala siya sa buong mundo.
Sa isang panayam noong 2016 ay matatandaang sinabi ni Lansbury, “I was amazed, almost everywhere in the world knew Jessica Fletcher. They treated me like a rock star.”
Ang 264-episode series ang nagpanalo sa kaniya ng apat sa kaniyang Golden Globes, at nagpayaman din sa kaniya dahil kumita ito ng hanggang $300,000 bawat episode.
Noong 2017, sa edad na 91 ay ipinahayag ng aktres na nais niyang muling gampanan ang papel ni Jessica Fletcher . . . “just one more time.”
Si Lansbury ay isinilang sa London noong October 16, 1925 sa isang pamilya ng mga pulitiko at aktor.
Ang kaniyang film breakthrough ay nangyari noong siya ay 17 anyos pa lamang, nang makuha siyang cast bilang ang maid na si Nancy sa 1944 psychological thriller na “Gaslight” kasama ni Ingrid Bergman, isang papel na nagpanalo sa kaniya ng isang Oscar nomination para sa best supporting actress at naging daan sa pitong taong kontrata niya sa MGM studios.
Lumipat si Lansbury sa theatre sa Broadway sa huling bahagi ng 1950s.
Naging isa siyang bituin sa title role ng 1966 musical na “Mame,” na tungkol sa mayayamang New Yorkers sa panahon ng Depression, at nagpanalo sa kaniya ng una niyang Tony Award. Ang “Gypsy” (1973-1975) at “Sweeney Todd” (1979) ang iba pang nagbigay sa kaniya ng Tony Awards.
Ang ika-lima niyang Tony award ay noong 2009 para sa kaniyang papel sa Broadway bilang ang clairvoyant na si Madame Arcati sa “Blithe Spirit” ni Noel Coward.
Si Lansbury ay ginawang dame ng Britanya noong 2014.
Ayon pa sa pahayag ng pamilya, “In addition to her three children, Anthony, Deirdre and David, she is survived by three grandchildren, Peter, Katherine and Ian, plus five great grandchildren and her brother, producer Edgar Lansbury. A private family ceremony will be held at a date to be determined.”
© Agence France-Presse