Musk, nagbantang magdedemanda ilang oras pagkatapos ilunsad ng Meta ang Threads na magiging katunggali ng Twitter
Nagbanta ang Twitter na idedemanda ang Meta ilang oras lamang matapos ilunsad ng parent company ng Instagram ang Threads, isang app na inaasahan nitong tatalo sa site na pag-aari ni Elon Musk.
Sa isang liham kay Meta CEO Mark Zuckerberg, na inilathala ng online news outlet na Semafor, inakusahan ng abogado ni Musk na si Alex Spiro ang kompanya ng “unlawful misappropriation of Twitter’s trade secrets and other intellectual property.”
Sa liham ay inaakusahan ang Meta ng pagkuha ng dose-dosenang mga dating empleyado ng Twitter na “mayroon at patuloy na may access sa mga lihim ng kalakalan ng Twitter at iba pang lubhang konpedensiyal na impormasyon.”
Ang Threads ang pinakamalaking challenger sa Twitter na pagmamay-ari ni Musk, na nakakita ng serye ng mga potensyal na kakompitensiyang lumitaw ngunit hindi pa rin nagawang palitan ang pinakamalaking social media platform sa mundo, sa kabila ng “struggles” nito.
Ang pinakahuling hakbang na ito ni Zuckerberg laban kay Musk ay lalong nagpatindi sa tunggalian sa pagitan ng dalawang multibillionaires, na kapwa pa nga sumang-ayon na magkaroon ng hand to hand combat sa isang cage match.
Ang Threads ay nag-live sa Apple at Android app stores sa 100 mga bansa noong Miyerkoles, at batay sa mga naunang feedback, may pagkakahawig ito sa Twitter.
Sa loob lamang ng ilang oras, higit 30 milyong katao na ang nag-download ng Threads, ayon kay Zuckerberg.
Sa kaniyang opisyal na Threads account ay isinulat ni Zuckerberg, “Feels like the beginning of something special, but we’ve got a lot of work ahead to build the app.”
Aktibo na rin ang mga account para sa mga celebrity gaya nina Jennifer Lopez, Shakira, Oprah Winfrey at Hugh Jackman, pati na rin sa mga media outlet kabilang ang The Washington Post at The Economist.
Nakasaad pa sa sulat ni Zuckerberg, “It’ll take some time, but I think there should be a public conversations app with 1 billion+ people on it. Twitter has had the opportunity to do this but hasn’t nailed it. Hopefully we will.”
(COMBO) This combination of file pictures created on July 06, 2023 shows Elon Musk as he speaks during his visit at the Vivatech technology startups and innovation fair at the Porte de Versailles exhibition center in Paris on June 16, 2023, and Meta CEO Mark Zuckerberg as he speaks during the 2013 TechCrunch Disrupt conference in San Francisco, California, on September 11, 2013. Elon Musk has threatened to sue Meta over Threads, an Instagram app, alleging it poached former Twitter employees to create a copycat app. (Photo by Alain JOCARD and JUSTIN SULLIVAN / various sources / AFP)
Una nang sinabi ng Twitter, na mayroon itong mahigit sa 200 milyong daily users.
Samantala, sa isa pang post na tumutukoy sa potensyal na legal na aksyon ng Twitter laban sa Meta, ay sinabi ni Musk, “competition is fine, cheating is not.”
Sinabi ni Meta spokesman Andy Stone, “No one on the Threads engineering team is a former Twitter employee — that’s just not a thing.”
Ang Threads ay na-introduce bilang isang spin-off ng Instagram, na nagbibigay dito ng built-in audience ng higit sa dalawang bilyong user kayat hindi na mahihirapan ang bagong platform sa hamon na magsimula “from scratch.”
Sinabi naman ni Instagram chief Adam Mosseri sa users, “Threads was intended to build ‘an open and friendly platform for conversations.’ The best thing you can do if you want that too is be kind.”
Sinasamantala ni Zuckerberg ang magulong pagmamay-ari ni Musk sa Twitter upang itulak ang bagong produkto, na inaasahan ng Meta na magiging go-to platform para sa mga celebrity, kumpanya at pulitiko.
Ayon sa analyst na si Jasmine Engberg mula sa Insider Intelligence, “Threads only needs one out of four Instagram monthly users ‘to make it as big as Twitter.’ Twitter users are desperate for an alternative, and Musk has given Zuckerberg an opening.”
Sinabi ni Mosseri, “I regretted that the launch was delayed in the European Union, but had Meta waited for regulatory clarity from Brussels, Threads would have been many, many, many, months’ away.”
Ayon sa isang source, nag-iingat ang Meta sa isang bagong batas na tinatawag na Digital Markets Act (DMA) na nagtatakda ng mga mahihigpit na panuntunan para sa internet companies na siyang “gatekeeper” ng mundo.
Isa sa panuntunan ay nagbabawal sa mga platform ng paglilipat ng user data sa pagitan ng mga produkto, gaya ng posibleng mangyari sa pagitan ng Threads at Instagram.
Sa buong mundo, ang Threads hashtag sa Twitter ay nakakuha ng tatlong milyong tweet, kung saan marami sa users ang pabirong nagmungkahi na ang mga tao ay babalik na sa platform ni Musk.
Ang iba naman ay nagpahayag ng privacy concerns.
Ayon sa tweet ng isang Japanese user, “Meta loves to collect private information and I don’t trust the way it treats private information. I also have the impression that this is a company hated by EU, so I’m reluctant.”
Pero sinabi naman ng ilan na permanente na silang lilipat sa Threads.
Sabi nga ng isang Threads user, “Now I truly can say goodbye to Twitter forever.”