MVP Harden nakaiskor ng 44 points, Detroit talo sa Brooklyn
WASHINGTON, United States (AFP) – Gumawa ng 44 points, 14 rebounds at walong assists si James Harden, para palakasin ang Brooklyn Nets at magwagi laban sa Detroit sa score na 113-111, habang tinapos naman ng Boston ang eight-game NBA win streak ng Milwaukee.
Hindi nakapaglaro si Harden nitong Miyerkoles kung saan tinalo sila ng Utah dahil sa neck soreness, ngunit bumalik nang may paghihiganti sa Detroit, kung saan nakagawa ito ng 12 mula sa 14 na free throws.
Iyon na ang highest-scoring performance ni Harden mula nang lumipat sya sa Nets galing sa Houston, at tinulungan ang Brooklyn na ma-improve sa 31-15 at maging NBA Most Valuable Player.
Ayon kay Harden . . . “I just try to go out there and give my teammates every single thing I can bring to the game. I just take what the defense gives me, just play the game the right way and try to be efficient.”
Dahil wala si Kevin Durant at Kyrie Irving sa lineup kaya’t pinaigting pa ni Harden ang kaniyang laro. Nakaragdag din sa panalo ng Brooklyn ang reserve na si Blake Griffin, na gumawa ng 17 points sa kaniyang pagbabalik matapos umalis sa Detroit para sumama sa Nets.
Si Jeff Green ay nakagawa rin ng isang late 3-pointer, habang si Joe Harris ay nagdagdag naman ng isang free throw.
Umiskor naman ng 34 points si Jayson Tatum ng Boston, at si Marcus Smart ay nagdagdag ng 23 points sa panalo ng Celtics laban sa host na Milwaukee sa score na 122-114, matapos matalo ang 10 sa 11 nilang road contests.
Sinabi ni Celtics coach Brad Stevens . . . “We played with good purpose, good connectivity. “I thought everybody that played gave us a good lift.”
Ang Milwaukee ay bumagsak sa 29-15, o isang laro sa likod ng Brooklyn para maging third na lamang sa Eastern Conference, habang nag-improve naman sa 22-23 ang Boston.
Si Khris Middleton ay nakagawa ng 19 points at si Giannis Antetokounmpo ay nakapagbahagi rin ng 16 points, kahit ibinangko lamang siya sa fourth quarter.
Ayon kay Bucks coach Mike Budenholzer . . . “They were excellent and we didn’t play our best. We weren’t as good as them tonight. We didn’t play good enough.”
Ang Bahamian big man na si Deandre Ayton at Chris Paul ay kapwa naka-score ng 19 points at si Devin Booker ay nagdagdag din ng 16 points para sa panalo ng Phoenix laban sa Toronto sa score na 104-100, para sa kanilang 10th win sa 13 contests, kung saan nag-improve na ang Suns at second na sila ngayon sa Western Conference.
© Agence France-Presse