Myanmar, nagbantang hindi dadalo sa ASEAN summit
Nagbabala ang Myanmar na hindi dadalo sa ASEAN summit, matapos ihayag ng grupo na hindi puwedeng dumalo ang military chief ng bansa dahil sa pagdududa tungkol sa pangako ng gobyerno na ititigil na ang madugong krisis doon.
Matagal nang namamayani ang kaguluhan sa Myanmar, mula nang patalsikin ng mga heneral ang civilian leader na si Aung San Suu Kyi sa isang kudeta noong Pebrero, na nagbunsod sa nationwide protests at violent crackdown sa mga kumakalaban sa junta.
Bunga na rin ng international pressure para bumuo ng diplomatikong solusyon sa Myanmar conflict, ay nagtakda ng leaders’ summit ang Association of Southeast Asian Nations, nguni’t hindi isinama ang junta chief na si Min Aung Hlaing.
Ayon sa junta spokesman na si Zaw Min Tun . . . “The exclusion from the October 25-28 meeting in Brunei broke ASEAN principles. The bloc instead invited a non-political representative, director general of the foreign affairs ministry Chan Aye.”
Dagdag pa niya . . . “But we aren’t sure whether to attend or not. Attending it could affect our country’s sovereignty and image.”
Ang pasya ng ASEAN na huwag payagang padaluhin sa leader’s summit ang Myanmar junta chief, ay bunsod ng pagtanggi nito sa kahilingan na magsugo ng isang special envoy para makipag-usap sa lahat ng stakeholders sa bansa, at kasama rito ang deposed leader na si Suu Kyi.
Ang Myanmar na kadalasan ay pinamumunuan na ng militar mula nang maganap ang kudeta noong 1962, ay naging tinik sa ASEAN simula nang sumanib ito sa asosasyon noong 1997.
Sa ginanap na eleksiyon noong 2015, ay landslide ang victory ni Suu Kyi ng National League for Democracy party, na nagpasimula ng civilian rule ngunit pinutol ito ng nangyaring kudeta kamakailan. (AFP)