Nadal at Fritz, maghaharap sa Indian Wells Masters title
Dinaig ni Rafael Nadal sa semi-final ang mas nakababata niyang kababayan na si Carlos Alcaraz sa score na 6-4, 4-6, 6-3, upang makaharap ang American na si Taylor Fritz para sa ATP Indian Wells Masters title.
Ang 35-anyos na si Nadal, na mayroon na ngayong 21 Grand Slam title matapos magwagi sa Australian Open noong January, ay naglaro ng tatlong oras at 12 minuto kontra sa 18-anyos na si Alcaraz na nais sundan ang kaniyang yapak.
Ayon sa Spanish player na si Nadal . . . “I think it was my best match so far in the tournament in terms of level. In the third I played with great determination against a very difficult player to play. He’s (Alcaraz) great. He has a lot of amazing things.”
Sinabi naman ni Alcaraz na bagama’t nabigo ay masaya pa rin siya.
Aniya . . . “I mean, I was playing against Rafa. I think it was a close match. First time (we played) he destroyed me. Now we played third set.”
Sa Nadal at Alcaraz ay nagharap na sa Madrid, 10 buwan na ang nakalilipas, kung saan tatlong games lamang ang itinagal ng batang manlalaro.
Samantala, sakaling matalo ni Nadal si Fritz, ay makakapantay na niya si Novak Djokovic para sa pinakamaraming Masters 1000 titles sa ATP sa kasaysayan, na mayroong 37.
Tinapos ng 24-anyos na si Fritz, ranked 20th sa buong mundo ang 13-match ATP winning streak ng world number seven na si Andrey Rublev, sa score na 7-5, 6-4 sa isa pang semi-final match.
Si Fritz ang unang Amerikano na nakaabot sa Indian Wells final pagkatapos ni John Isner noong 2012, at tatangkain niyang maging unang US winner pagkatapos ni Andre Agassi noong 2001.
Si Fritz ay nasa una niyang elite Masters 1000 final at naghahangad para sa ikalawa niyang career ATP title, makaraan ang tagumpay sa Eastbourne noong 2019.