Nadal at Swiatek abante na sa Wimbledon
Umabante na sa third round ng Wimbledon si Rafael Nadal, habang napanalunan naman ng women’s top seed na si Iga Swiatek ang ika-37 niyang match.
Ang Spanish second seed, na target ang isang calendar Grand Slam, ay nakarekober sa pagkatalo sa third set para sa ikalawang sunod na match para talunin ang Lithuanian journeyman na si Ricardas Berankis sa score na 6-4, 6-4, 4-6, 6-3.
Una rito ang Spanish 17th seed na si Roberto Bautista Agut sana ang magiging potensiyal na ikatlong “dangerman” kay Nadal kung hindi ito nag-pull out dahil sa coronavirus, kasunod ng withdrawals ng 2021 runner-up na si Matteo Berrettini at 2017 finalist Marin Cilic.
Pumabok din kay Nadal ang hindi inaasahang first-round exit ng Canada sixth seed na si Felix Auger-Aliassime, na nakalaban niya sa five sets sa French Open.
Mukhang komportable si Nadal sa unang dalawang sets laban kay Berankis, ngunit nasira sa una niyang service game sa third set. Subalit nakabawi ang Spaniard at nanguna ng 3-0 sa fourth set, at sinelyuhan ang match bago ito nag-resume kasunod ng pag-ulan.
Aminado ang 22-time Grand Slam champion, na hindi nakapaglaro sa Wimbledon simula nang makaabot siya sa 2019 semi-finals, na kailangan niyang pagbutihin pa ang kaniyang laro bilang paghahanda sa pagharap niya kay Lorenzo Sonego ng Italy.
Ayon kay Nadal . . . “I didn’t play much on grass in three years. It gives me the chance to keep going, so very happy for that. I need to improve. The fourth set was much better…. I have to keep working, be humble, even when things are not going well.”
Si Stefanos Tsitsipas at ang Australian maverick na si Nick Kyrgios, na namamalaging dalawa sa kaniyang biggest challenges ay maghaharap sa Sabado.
Samantala, kinailangan lamang ni Swiatek ng Poland ng dalawang oras para talunin ang Dutch na si Lesley Pattinama Kerkhove sa score na 6-4, 4-6, 6-3.
Si Swiatek ay unang nagkaproblema bago sunod-sunod na mapanalunan ang apat na games para makuha ang first set, ngunit nag-break sa second at hindi nakarecover.
Gayunman, sa huli ay nagawa pa rin ni Swiatek na dominahin ang laro para sa 3-1 lead at tapusin ang match.
Nalampasan niya ang 36-match winning streak ni Monica Seles noong 1990 at tumabla sa 37-match winning run ni Martina Hingis sa pagsisimula ng 1997 season.
Ayon kay Swiatek . . . “I would say the grass is pretty tricky for me, I’m not going to lie. I guess you can see that I’m not playing maybe as efficiently as on other surfaces. Basically my confidence is getting better overall. But this tournament is tricky and I’m still feeling out how to play the best game here.”
Susunod namang makakaharap ni Swiatek si Alize Cornet ng France.
© Agence France-Presse