Nadal naniniwalang malusog siya para magpatuloy sa paglalaro sa Wimbledon

Spain's Rafael Nadal serves the ball to Netherlands' Botic van de Zandschulp during their round of 16 men's singles tennis match on the eighth day of the 2022 Wimbledon Championships at The All England Tennis Club in Wimbledon, southwest London, on July 4, 2022. (Photo by Glyn KIRK / AFP) / RESTRICTED TO EDITORIAL USE

Spain’s Rafael Nadal serves the ball to Netherlands’ Botic van de Zandschulp during their round of 16 men’s singles tennis match on the eighth day of the 2022 Wimbledon Championships at The All England Tennis Club in Wimbledon, southwest London, on July 4, 2022. (Photo by Glyn KIRK / AFP) /

Ipinagkibit-balikat lamang ni Rafael Nadal ang mga panibagong alalahanin sa kanyang kalusugan, habang tinatarget niya ang isang puwesto sa semi-finals ng Wimbledon ngayong Miyerkoles.

Naglaro ang 36-anyos na Spaniard para sa kaniyang last-16 clash sa All England Club nitong Lunes laban kay Botic van de Zandschulp, nang may strap sa kaniyang tiyan.

Nito lamang nakalipas na buwan, napanalunan ni Nadal ang ika-14 niyang French Open kung saan kinailangang turukan ng anestisya ang kaliwa niyang paa, bago siya tuluyang sumailalim sa isang career-saving treatment.

Ayon kay Nadal . . . “I’m a little bit tired to talk about my body, all the issues that I am having. I prefer to not talk about that now. For the moment I am healthy enough to keep going and fight for the things that I want.”

Kalahati na ng calendar Grand Slam record na nakuha ni Rod Laver noong 1969 ang naabot ni Nadal, at ngayong Miyerkoles ay target ng Spaniard na umabot sa semi-finals para sa ikawalong ulit, kapag nakaharap niya si Taylor Fritz.

Sa unang pagkakataon, si Fritz ay umabot sa last 8 ng isang Slam at wala pa siyang natatalong set.

US player Taylor Fritz returns the ball to Australia’s Jason Kubier during their round of 16 men’s singles tennis match on the eighth day of the 2022 Wimbledon Championships at The All England Tennis Club in Wimbledon, southwest London, on July 4, 2022. (Photo by ADRIAN DENNIS / AFP) /

Tinalo ng 24-anyos na Amerikano si Nadal sa Indian Wells Masters final sa unang bahagi ng 2022, nang lumaban ang Spaniard kahit nakararanas ng cracked rib.

Ang pagkatalong iyon ni Nadal ang sanhi para matapos ang kaniyang 20-match win streak at mapilitan siyang magpahinga ng anim na linggo bago ang clay court season.

Sinabi ni Fritz, na ang ina ay nakapaglaro na rin sa Wimbledon, na ang paghaharap nila ni Nadal ay nangangahulugan ng isang “all-out attack.”

Naghihintay naman sa semi-final ang Australian na si Nick Kyrgios o di kaya naman ay si Cristian Garin ng Chile.

Australia’s Nick Kyrgios returns the ball to US Brandon Nakashima during their round of 16 men’s singles tennis match on the eighth day of the 2022 Wimbledon Championships at The All England Tennis Club in Wimbledon, southwest London, on July 4, 2022. (Photo by Glyn KIRK / AFP) /

Sa kabila ng presensiya ni Nadal at ng six-time champion na si Novak Djokovic sa draw, hindi maipagkakailang si Kyrgios ang nasa “headline act.”

Nagbalik siya sa quarter-finals ng Wimbledon sa unang pagkakataon mula noong 2014, nang talunin niya si Nadal.

Nasangkot din sa kontrobersiya si Kyrgios, na inilarawan ng kaniyang third-round rival na si Stefanos Tsitsipas na may “evil side” at isang “bully.”

Ayon kay Kyrgios . . . “I sit here now in the quarter-finals of Wimbledon again, and I just know there’s so many people that are so upset.”

Ang 40th-ranked player ay lalaban ngayong Miyerkoles, isang araw matapos lumitaw sa Australia ang mga ulat na kinailangan niyang humarap sa korte sa Agosto dahil sa alegasyon ng assault.

Samantala, maghaharap din sa iba pang semi-final ang defending champion na si Djokovic at Cameron Norrie ng Britanya.

© Agence France-Presse

Please follow and like us: