Nadal, sinindak ni Fritz sa Indian Wells

Taylor Fritz of the United States joins Rafael Nadal of Spain during the awarding ceremony at the Indian Wells Tennis Garden.
AFP

Sinindak ng American player na si Taylor Fritz ang Spaniard na si Rafael Nadal, nang mapanalunan nito ang tropeo ng ATP Indian Wells Masters sa score na 6-3, 7-6 (7/5), at tinapos ang perfect 20-0 run ng 21-time Grand Slam champion.

Nakuha na ng ranked 20th na si Fritz, ang ikalawa niyang career title at una niyang elite Masters 1000 level, habang nabigo naman si Nadal na makapantay sa 37th Masters crown si Novak Djokovic.

Nagawa pa ring magwagi ng 24-anyos na Amerikano sa kabila ng injury sa kaniyang right ankle, na aniya’y napakasakit nang ito ay subukin niya kaya’t hindi niya inakalang makapaglalaro siya.

Ayon sa Southern California native . . . “This is just one of those childhood dreams, winning this tournament especially, Indian Wells, this is one of those childhood dreams you never even think can come true. It was just an emotional roller coaster all day.”

Samantala, tinalo naman ng dating French Open champion na si Iga Swiatek si Maria Sakkari, sa score na 6-4, 6-1, para makuha ang women’s title at umusad sa isang career-high ranking na No. 2 sa buong mundo.

Ang fifth career title na ito ni Swiatek, ay ikalawa naman niya sa maraming torneo matapos ang kaniyang tagumpay sa Doha, Qatar noong nakalipas na buwan, at isinulong ang kaniyang WTA match win streak sa 11.

Ayon kay Swiatek . . . “I’m really overwhelmed and honestly my mind is blown.”

Please follow and like us: