Nadal walang inaasahan sa kaniyang pagbabalik sa tennis
Sinabi ng dating world number one na si Rafael Nadal, na “wala siyang inaasahang” anuman mula sa kaniyang sarili bago ang kaniyang pagbabalik sa tennis court sa susunod na buwan.
Ang 37-anyos na si Nadal ay noong Enero pa hindi nakapaglalaro dahil sa isang hip injury, subalit nakatakdang bumalik sa tennis sa susunod na taon sa Brisbane.
Gagamitin nito ang torneo bilang warm-up sa Australian Open sa Melbourne, ngayong bumagsak na siya sa No. 663 sa world ranking bago simulan ang huli niyang taon at bago ang inaasahan niyang pagreretiro.
Sinabi ng 22-time Grand Slam winner, “I think I’m ready and I trust and hope that all goes well and it gives me the opportunity to enjoy myself on the court. I expect from myself to expect nothing. To have the ability not to demand myself what I have demanded myself throughout my career.”
Simula nang hindi makapaglaro, si Nadal ay naungusan na sa ilang bilang ng Grand Slam tournaments na napanalunan ng Serbian world number one na si Novak Djokovic, na ngayon ay mayroon nang 24 major titles.
Tatangkain ni Nadal na makabalik sa “highest level” sa Australia na target ang makapaglaro sa French Open na 14 na ulit na niyang napagwagian.
Nasa linya siya para sa abalang huling season sa Grand Slams at Olympic Games, kung saan nanalo siya ng singles gold sa Beijing noong 2008 at doubles gold sa Rio noong 2016.
Ayon kay Nadal, “I believe I’m in a different moment, situation. I am in an unexplored terrain. I have internalized what I have had throughout my life, which is demand myself the maximum.”
Dagdag pa niya, “Right now what I really hope is to be able not to do that, to accept things are going to be very difficult at the beginning and give myself the necessary time.”