Nag-viral na video ng mga kabataang gumagamit ng marijuana, nakakabahala – Cong. Sandoval
Naalarma si Malabon city district Representative Ricky Sandoval sa nag-viral na video ng mga kabataan mula sa kanilang lunsod na gumagamit ng marijuana at nagbtitaw pa ng masasamang salita laban kay Pangulong Duterte.
Ayon sa Kongresista, ang ganitong mga kabataan ay dapat magsilbing eye opener sa mga magulang kaugnay sa paraan ng pagpapalaki sa kanilang mga anak.
Aniya, bagamat may mga panukala na sa Kongreso na gawing ligal ang paggamit ng mga medical marijuana ay kaiba ito sa mga ginamit ng nasabing mga kabataan.
Paliwanag ng mambabatas, sa ilalim ng isinusulong na batas, gobyerno lamang ang may karapatang magtanim at magproseso ng mga medical marijuana.
“Kung makikita nyo sa Kongreso na iniikutan ng mga nagtutulak nito, eh talagang pinapakita nila yung mga batang parang nanginginig yung katawan, yung mga cancer patients ang mga humihingi nito, ginagamit ding pain killers at gamot sa iba pang mga sakit. So, maybe we can look at ligalization of medical marijuana”.