Nagbitiw na Tourism Promotion Board head Cesar Montano hindi pa lusot sa kaso ng katiwalian ayon sa Malakanyang
Ipinauubaya ng Malakanyang sa Office of the Ombudsman ang pagsasagawa ng inbestigasyon kay Cesar Montano kaugnay ng anomalya sa Buhay Carinderia program ng Department of Tourism o DOT ma nagkakahalaga ng 80 milyong piso.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na kahit nagbitiw na sa kanyang tungkulin si Montano bilang Tourism Promotion Board head maaring papanagutin sa kasong kriminal kapag nakitaan ito ng Ombudsman ng probable cause sa paglabag sa Anti Corrupt Practices Act.
Ayon kay Roque mayroong moto propio power ang Ombudsman para imbestigahan ang mga opisyal ng gobyerno na nasasangkot sa katiwalian.
Si Montano ang pinakabagong opisyal ng Duterte administration na pinagbitiw ng pangulo dahil sa isyu ng korapsyon.
Ulat ni Vic Somintac