Nagkaroon ng iligal na pag-access sa sistema ng Smartmatic -NBI
Kinumpirma ng National Bureau of Investigation na nagkaroon ng iligal na pag- access sa sistema ng Smartmatic.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Electoral Reforms na pinamumunuan ni Senador Imee Marcos
sinabi ng NBI na batay sa kanilang report, January 2, 2022 kung saan dawit ang electoral report at hacking .
Nadiskubre rin na nagkaroon ng 726 log in sa loob lamang ng limang araw .
Sa affidavit ni Ricardo Argana sa NBI sinabi nito na ang hacker na XSOS ang nakakuha ng impormasyon kapalit ng training at halagang P50,000 hanggang P300,000.
Inalok naman ng XSOS ang impormasyon sa Smartmatic pero hindi na nakipag- usap ang kumpanya na provider ng Comelec.
Ayon sa NBI , hindi lang daw si Argana ang kumikilos kundi may mga kasabwat ito batay sa kaniyang komunikasyon sa kaniyang messenger account.
Ang modus ayon sa NBI katulad ng ginawang hacking incident noong 2016 at 2018 Elections.
Meanne Corvera