Nakapagtala ng 45 porsyentong pagtaas ng mga kaso ng Influenza-like Illness sa bansa ngayong taon – DOH
Sa datos ng Department of Health, hanggang nitong October 13 ay nakapagtala ng 151,375 kaso ng Influenza-like Illness sa buong bansa.
Mas mataas ito sa 104,613 lamang sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Sa nakalipas na 3 hanggang 4 na linggo nakita rin ng DOH ang 26% na pagtaas ng Influenza-like Illness cases.
Ayon sa DOH ang pagtaas ng mga kasong ito ay dahil sa panahon ng tag ulan.
Mas mahigpit din ang kanilang monitoring ngayong papasok na ang Amihan na mas malamig ang panahon.
Madelyn Moratillo
Please follow and like us: