Nalulugi sa mga poultry farmer dahil sa bird flu outbreak, umaabot na sa ₱179M kada araw
Nagpapasaklolo na sa gobyerno ang mga poultry farmers dahil sa pagbaba ng ₱10 sa bentahan ng manok.
Ayon sa mga poultry farmer, umaabot na sa ₱179 milyon ang kanilang lugi kada araw.
Kaugnay nito, naglaan naman ang pamahalaan ng ₱48 milyon na tulong sa mga apektadong poultry farmers sa San Luis, Pampanga kung saan pumapatak na ₱80 ang bayad sa kada manok.
Halos ₱34 milyon naman sa Nueva Ecija kung saan halos ₱2 milyon ay para sa mga pugo at ₱32 milyon sa mga manok.
Pumapatak na ₱10 kada hayop ang magiging halaga ng bayad.
Samantala, halos 160,000 na ang bilang na mga na-cull na poultry sa 1-kilometer quarantine area sa San Luis, Pampanga at halos 290,000 naman sa 7-kilometer area.
Nag-imprenta naman ang Department of Agriculture (DA) ng mga information campaign paraphernalia na kanilang ipapamigay sa mga lokal na pamahaalan sa Pampanga.
Ito ay para matigil na ang mga maling pagkalat ng impormasyon tungkol sa bird flu.
Una rito, inalis ng DA ang ban sa shipment ng mga poultry products mula sa Luzon papuntang Visayas at Mindanao.