Namatay sa dengue sa Bangladesh lumampas na sa 400

Mosquitoes are seen on top of the logged water at the Suhrawardy Udyan park, as number of dengue infected patients increase, in Dhaka, Bangladesh, October 14, 2024. REUTERS/Mohammad Ponir Hossain/File Phot

Nakikipaglaban ngayon ang Bangladesh sa pinakamalalang dengue outbreak na tumama sa kanilang bansa sa nakalipas na marmaing taon, kung saan mahigit sa apat na raan na ang namatay.

Pinalala pa ito ng mataas na temperatura at mas mahabang monsoon seasons, kaya’t nahihirapan nang makaagapay ang mga ospital, partikular sa urban areas.

Hindi bababa sa 407 katao na ang namatay sa mga kaugnay na kumplikasyon nagyong 2024, habang 78,595 mga pasyente ang na-admit sa mga ospital sa buong bansa, batay sa pinakabagong tala.

Ngayong mid-November, 4,173 mga pasyente ang nagamot, 1,835 sa mga ito ay sa Dhaka, kabisera ng Bangladesh, at 2,338 sa iba pang mga lugar.

Ayon kay Kabirul Bashar, isang zoology professor sa Jahangirnagar University, “We’re witnessing monsoon-like rainfall even in October, which is unusual.”

Aniya, “Shifting weather patterns caused by climate change provided optimal conditions for the Aedes aegypti mosquito, the primary carrier of the disease. These changes in the season are fostering ideal conditions for the mosquitoes to breed.”

A city corporation worker sprays fumigator to control mosquitoes, as number of dengue infected patients increase, in Dhaka, Bangladesh, October 14, 2024. REUTERS/Mohammad Ponir Hossain/File Photo

Ang makapal na populasyon sa mga lungsod ay nagpapalala sa pagkalat ng sakit, kadalasang mas karaniwan sa tag-ulan mula Hunyo hanggang Setyembre bagama’t lumampas pa ito ngayong taon.

Ang pagtaas ng temperatura at mas mahabang monsoon, na parehong nauugnay sa pagbabago ng klima, ay nagdulot ng pagtaas ng pagdami ng lamok, na nagtutulak sa mabilis na pagkalat ng virus.

Nanawagan si Bashar para sa buong taon ng vector surveillance sa Bangladesh upang masubaybayan at mapigil ang sakit.

Sinabi ni Dr. ABM Abdullah, “If detected early and treated properly, deaths from dengue can be reduced to less than 1%. Early diagnosis and prevention are key to controlling dengue.”

Naitala noong isang taon ang “deadliest on record” sa kasalukuyang krisis, na may 1,705 pagkamatay at mahigit sa 321,000 infections ang naiulat.

Ang pagiging madalas at pagtindi ng mga outbreak ay lalo pang nagpapahirap sa nahihirapan nang sistemang pangkalusugan ng Bangladesh, habang ang mga ospital ay nagsusumikap na gamutin ang libu-libong mga pasyente.

Hinimok naman ng health officials ang publiko na gumawa ng hakbang upang hindi makagat ng mga lamok, gaya ng paggamit ng mosquito repellents at kulambo, habang nais naman ng eksperto ng mas mahigpit na mga hakbang upang malinis ang stagnant waters kung saan nangingitlog ang mga lamok.

Sinabi naman ng mga doktor, na lumalaki ang bilang ng mga namamatay dahil sa hindi agad nagpapagamot ang mga pasyente, partikular sa rural populations na kailangan pang maglakbay ng malayo para makarating sa specialised facilities sa Dhaka.

Sa una, ang sakit ay malimit na nagpapakita ng mild symptoms na hindi ma-diagnose hanggang sa ang pasyente ay maging kritikal na.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *