Namatay sa malakas na lindol sa Haiti, umakyat na sa higit 1,200
LES CAYES, Haiti (AFP) – Umakyat na sa higit 1,200 ang nasawi sa malakas na lindol na tumama sa Haiti.
Hindi bababa sa 1,297 katao ang nasawi sa 7.2-magnitude na lindol na tumama noong Sabado, may 100 milya (160 kilometro) sa kanluran ng Port-au-Prince, kapitolyo ng Haiti.
Matatandaan na napinsala rin ito sa malakas na lindol na nangyari noong 2010.
Nasa 13,600 mga gusali ang nawasak at higit 13,700 naman ang napinsala kung saan daan-daan ang na-trap sa mga guho.
Ayon sa Civil Protection agency ng Haiti, higit 5,700 katao ang nasaktan sa nangyaring lindol.
Samantala, nangako ang Estados Unidos at iba pang mga bansa na tutulungan ang Haiti na makabangon mula sa panibagong sakuna na tumama sa bansa.
Sinabi ni USAID head Samantha Power . . .”Our agency had deployed a 65-person urban search and rescue team equipped with ‘specialized tools, equipment & medical supplies’ to join an earthquake disaster response team already in Haiti.”
Ang Dominican Republic na kapitbahay ng Haiti, ay nagpahayag na magpapadala ng 10-libong food rations at medical equipment.
Nagpadala na rin ang Mexico ng aid shipment, habang ang Cuba at Ecuador ay nagpadala naman ng medical o search-and-rescue teams.
Nag-alok din ng tulong ang Chile, Argentina, Peru at Venezuela, at maging ang United Nations.
Ayon kay Haiti Prime Minister Ariel Henry . . . “We want to plan a better adapted response than in 2010 after the earthquake. All aid coming from abroad should be coordinated by the Civil Ptotection agency.”
Agence France-Presse