Namatay sa wildfire sa Hawaii umakyat na sa 53
Umabot na sa 53 ang bilang ng mga namatay mula sa isang matinding wildfire na tumupok sa isang makasaysayang bayan sa Hawaii, na naging dahilan upang ito ay maging isa sa pinakamapangwasak na sakuna na tumama sa mga isla mula nang sila ay maging isang estado ng US.
Ang Brushfires sa west coast ng Maui island sa Hawaii na pinalala ng malakas na hangin mula sa isang papalapit na hurricane, ay sumiklab noong Martes at mabilis na kumalat sa seaside town ng Lahaina.
Ang apoy ay mabilis na gumapang kaya’t marami ang nagulat, na-trap sa mga kalsada o kaya ay tumalon sa dagat upang makaiwas sa sunog.
Sinabi ni Governor Josh Green, na ang tinutukoy ay ang isang trahedya na tumama isang taon matapos na maging ika-50 estado ng US ang Hawaii, “In 1960 we had 61 fatalities when a large wave came through Big Island. This time, it’s very likely that our death totals will significantly exceed that.”
Kinumpirma ng mga opisyal ng Maui County, na ang bilang ng mga nasawi ay umabot na sa 53, at patuloy pa ring nakikipaglaban ang mga bumbero sa sunog.
Ayon pa kay Green, “Lahaina on Thursday lay in charred, smoking ruins, with 80 percent of the town was gone. There is no doubt everyone would describe this as though a bomb hit Lahaina. It looks like total devastation; buildings that we’ve all enjoyed and celebrated together for decades, for generations, are completely destroyed.”
Idineklara ni Pangulong Joe Biden ang mga sunog na isang “malaking sakuna” at nagpalabas ng federal aid para sa relief effort, dahil sinabi ng mga residente na kailangan nila ng karagdagang tulong sa recovery na maaaring tumagal ng maraming taon.
Sinabi naman ni US Coast Guard commander Aja Kirksey, “Around 100 people were believed to have jumped into the water in a desperate effort to flee the fast-moving flames as they tore through Lahaina.”
Ayon kay Kirksey, nahirapang makakita ang mga piloto ng helicopter dahil sa makapal na usok galing sa napakalaking sunog, subalit nagawa namang mailigtas ng isang Coast Guard vessel ang higit sa 50 katao mula sa tubig.
Aniya, “It was a really rapidly developing scene and pretty harrowing for the victims that had to jump into the water.”
Makikita sa aerial photographs ng Lahaina, na nagsilbing kabisera ng Hawaiian kingdom sa mga unang bahagi ng 19th century, na ang buong bloke ay naging baga na lamang.
Sinabi ni Green, “Around 1,700 buildings were now believed to have been affected by the blaze.”
Ayon naman kay Maui Mayior Richard Bissen, “With lives lost and properties decimated, we are grieving with each other during this inconsolable time. In the days ahead, we will be stronger as a… community, as we rebuild with resilience and aloha.”
Libu-libong katao na rin ang inilikas mula sa Maui, at 1,400 pa ang naghihintay sa main airport sa Kahului nitong nakalipas na magdamag sa pag-asang makaalis.
Hiniling naman ng Maui County sa mga bisita na umalis na hangga’t maaari sa lalong madaling panahon, at nag-organisa ng mga bus upang dalhin ang mga evacuee mula sa shelters patungo sa airport.
Ang isla ay nagsisilbing host sa humigit-kumulang sangkatlo o 1/3 ng lahat ng mga bisita na nagpapalipas ng holiday sa estado, at ang kanilang salapi ay mahalaga para sa lokal na ekonomiya.
Sinabi ng mga opisyal na may mga sunog ding sumiklab sa Big Island ng Hawaii ngunit ito ay nakontrol na.
Sinabi ni state tourism chief Jimmy Tokioka, na ang ibang bahagi ng Hawaii ay namamalaging bukas sa kabila ng nasabing trahedya sa Lahaina.
Dahil sa isang bagyo na dumaan sa timog ng Hawaii, pinalagabgab nito ang apoy na tumupok sa tuyong mga pananim.
Ayon kay Thomas Smith, isang propesor sa London School of Economics, “While wildfires are not uncommon in Hawaii, the blazes this year ‘are burning a greater area than usual, and the fire behavior is extreme,’ with fast spread rates and large flames.”
Ang wildfires sa Hawaii ay kasunod ng iba pang “extreme weather events” ngayong summer sa North America, kung saan nagkaroon ng mga record-breaking wildfires na naglalagablab pa rin sa magkabilang panig ng Canada at isang matinding heat wave na nararanasan ngayon sa US southwest.
Maging ang Europe at ilang bahagi ng Asya ay nakaranas din ng napakataas na temperatura, na nagdulot pa ng malalaking sunog at mga pagbaha.
Habang tumataas ang temperatura sa buong mundo, ang heat waves ay hinuhulaang magiging mas madalas at mas tuyo dahil sa pabago-bagong rainfall patterns na lumilikha ng “ideal conditions” para sumiklab ang bush o forest fires.