Namatay sanhi ng heatwave sa Spain at Portugal umabot na sa 1,700 – WHO
Inihayag ng World Health Organization European office, na ang heatwave sa Europe ay ikinasawi na ng 1,700 katao sa Iberian peninsula pa lamang, at nanawagan ng joint action para tugunan ang climate change.
Ayon sa pahayag ni WHO regional director for Europe Hans Kluge . . . “Heat kills. Over the past decades, hundreds of thousands of people have died as a result of extreme heat during extended heatwaves, often with simultaneous wildfires. This year, we have already witnessed more than 1,700 needless deaths in the present heatwave in Spain and Portugal alone.”
Binigyang-diin ng regional director, na ang pagkakalantad sa labis na init at malimit na nakapagpapalala sa dati nang mga karamdaman, at binanggit na ang mga indibidwal gaya ng mga sanggol, mga bata at mga matatanda ang partikular na lantad sa panganib.
Paliwanag ng WHO Europe, ang bilang ay isang preliminary estimate base sa mga ulat ng national authorities, at ang numero aniya ay tumaas na at patuloy pang tataas sa mga susunod na araw.
Ang tunay aniyang bilang ng pagkamatay na may kaugnayan sa heatwave ay hindi pa malalaman sa loob ng ilang linggo, dahil ang panahon ng tag-init ay hindi pa aniya nangangalahati.
Ayon kay Kluge . . . “Ultimately, this week’s events point yet again to the desperate need for pan-European action to effectively tackle climate change,”
Sinabi pa ng regional head ng UN health body na kailangan ng mga gobyerno na magpakita ng “will and leadership” sa pagpapatupad ng Paris Agreement, na nagtatakda ng goal sa paglimita sa “end-of-century warming” sa two degrees Celsius (3.6 degrees Fahrenheit above pre-industrial levels) — at hindi lalampas sa 1.5C.
Sinabi niya rin na ang mga miyembro ng WHO sa rehiyon sa Europa — o ang 53 mga bansa at rehiyon kabilang ang ilan sa Central Asia — ay “nagpakita na, na maaari silang magtulungan sa mga kagyat na banta sa pandaigdigang kalusugan,” at “oras na para gawin natin itong muli. ”
© Agence France-Presse