Namibia, naka-detect ng 18 Omicron cases
Inanunsiyo ni Namibian President Hage Geingob, na naka-detect na sila ng unang kaso ng Omicron Covid-19 variant sa kanilang bansa.
Nanawagan si Geingob sa mga mamamayan na magpabakuna na, matapos ma-detect ang 18 Omicron cases.
12.1 percent pa lamang ng 2.4 na milyong populasyon ng Namibia ang ganap nang bakunado, at ang mababang turnout ay isinisisi sa pagiging bantulot ng marami na magpabakuna na sanhi naman para itapon na ang libu-libong mga bakuna na nag-expire na.
Ayon kay Geingob . . . “It is highly regrettable that we are forced to destroy in excess of 150,000 vaccines, which have reached expiry date because those who are eligible are refusing to be vaccinated.”
Hindi pa malinaw kung anong brand ng bakuna ang kanilang itatapon.
Sinabi ng isang health ministry official noong isang buwan, na 52,261 AstraZeneca shots ang magpapaso na pagdating ng November 30, habang 215,996 Pfizer jabs naman ang magpapaso na rin sa Enero at Pebrero ng susunod na taon.
Ayon sa pangulo . . .“Instead of throwing away vaccines, citizens who wish to go for booster jabs are encouraged to do so.”
Nagbanta rin ito na magpapatupad ng mas mahigpit na mga panuntunan kapag ang mga kaso ay patuloy na tumaas at hindi nagbago ang desisyon ng mga tao, dahil iyon lamang aniya ang makatwirang bagay na dapat gawin. (AFP)